Saturday, April 01, 2006

Hesus

kung nag-iisa at nalulumbay
dahil sa hirap mong tinataglay
kung kailangan mo ng karamay
tumawag ka at Siya’y naghihintay
Siya ang ‘yong kailangan
sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
at karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali
kung ang buhay mo ay walang sigla
laging takot at laging alala
tanging kay Hesus makaaasa
kaligtasan, lubos na ligaya
Siya ang dapat tanggapin
at kilanlin sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon
sa dalangin mo’y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon
kaya’t ang lagi mong pakatatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
pag-ibig na tunay, pag-ibig na tunay
Siya ang dapat tanggapin
at kilanlin sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon
sa dalangin mo’y tugon
Siya ay si Hesus…
Siya ay si Hesus…
Siya ay si Hesus..
…sa habang panahon

No comments:

Post a Comment